G

a spoken poetry about Person with Disability

"Kapansanan ay hindi Isang malaking kakulangan"
Humarap ako sa salamin
Nakita ko imahe ko na ganun parin
Kumpleto Pero may mga hindi kayang gawin
Dahil ganon naman ang lahat, di mo kayang perpektuhin
Kayat ikay magalak kapatid na may kapansanan
Wag Kang mag aatubilit wag mag aalinlangan
Dahil yang aking mong kakayahan
Hindi mo makikita sa kahit na kanino man
Pananaw ng bulag ay wala sa aking paningin
Sa mga material na bagay, di ka dyan nakatingin
Kagandahan ng kapaligiran, sa haplos lng daramdamin
Pag mamahal ng ibay yo na naring hangarin
Oo, hindi maimulat ang iyong mga mata
Ni hindi nga ang mga itoy nangakakakita
Ngunit ikaw, ikaw ung hindi nandidiskrimina
Hindi nanghuhusga ng kulay ng iba
Maging itoy puti, itim, dilaw o pula
Yaring bingi, magalak ka
Di man nakakarinig ang yung mga tainga
Di mo man kayang pakinggan itong aking Tula
Gusto ko lng sabihing ikaw ay sadyang kahangahanga
Dahil kaingayan ng mundo, sayoy baliwala
Hindi nanghuhusgat
Hindi nang papahiya
Hindi nangungutyat
Hindi nakikinig sa payo ng masama
O pagmasdan nyaring mga pipi
Kanilang mga bibig na tilay nakatahi
Tinitiis ang mga pangungutyat mga pangaapi
Pag ganti sa masamay isinasantabi
Kayong may mga kapansanan
Bunga ng ibat ibang
Kadahilanan
Kaung mga nag tutulungan
Upang kakulangan ng isay mapunan
Bingit, mga hindi nakakapag salita
Lumpot, mga hindi nangakakakita
Hirap makipag kumunikat, mga ispesyal na mga bata
Kayong lahat ay nangagkakaisa
Hindi man naging perpekto ang inyong Pag katao
Alam Kong may kahalagahan kayo dto sa mundo
Dahil ang bawat kakulangan ay napupunan
At lahat ng kamalian ay may katuwiran
Lahat ng mga bagay ay may kahalagahan
Kahit na ikay Isang may kapansanan
Ok lng na di ka perpekto
Ok lng na di ka kumpleto
Ang laging tandaan mo
May bahaghari pagkatapos ng bagyo
Bahag hari ang nag aayos sa mahirap na sitwasyon
Bahaghari ay ang pamilyang laging naroroon
Sa Ora's ng pangangailangan
Sila ang inyong nasasandalan
At ang lagi lang tatandaan
Dios Ama lang ang tanging nakaaalam
Kung gaano man kahirap ang ating pinag dadaanan
Sya ang ating maaasahan
Pagkat ang
KAPANSANAN AY HINDI ISANG MALAKING KAKULANGAN
©genesisdlo