M

ako, ikaw at sila mga pilipino

Halika pagaralan natin,
Ang sariling wika na atin.
Ito ay pinamana pa sa atin ng mga ninuno,
Kung saan dito tayo natuto.
Sa ating mga pilipino,
Tayo ay namulat sa katotohanan na ating binuo.
Mga bayaning nagbuwis ng buhay,
Bibigyan natin ng kasaysayan at kulay.
Sa kulay ng mga pilipino,
Sila ay kayumangi at may talento na maipagmamalaki sa buong mundo.
Dito nagdidiwang ng buwan ng wika,
Na ginagamit ang mga salitang pilipino at pag gawa ng mga tula.
Wag natin itong ikahiya,
Dahil ito ang ating salita.
Tayo ay pinalaya sa mga duyuhan na gumawa ng karahasan,
Binigyan tayo ng kasiyahan.
Masaya mamuhay sa buhay ng pilipino,
Dahil dito tayo binuo.
Mga pamahiin na ating pinapaniwala,
Ay nagbibigay ng sarili salita.
Kung wala ang kasaysayan ,
Walang katotohanan na malalaman.
Lahat ng ginawa sa atin ng mga bayanin,
Ay wag nating kalimutan.
Mahalin natin ang sariling wika,
Wag natin ipagdamot sa iba.
Buong pusong ipagmalaki,
Ang bansa na kinagisnan natin.
Lahat tayong mga pilipino,
Ay dapat wag mag patalo.
Ikaw, ako at sila magigiting na tao,
Na nakapaloob sa ating mga puso.