Kahirapan, kahit sa harapan
Ko'y nakikita kung paanong
Binabago ang planong
nakatakda sanang maging maganda
Na hangang ngayo'y nangyayari parin
at patuloy parin tayong nagtataka,
Sa bagay na itong pangkaraniwan na
nga daw sa mundong dinaya na dati namang maganda.
Oo tama ang naiisip mo
Ang hinahanap mo'y paaano't,
bakit? dahil paulit-ulit ng nagpabalik balik
Ang nakakasawang tanong sa isip mo
Ang tanong na bakit mahirap pa rin ako?
Kahit sagad na sa buto ang pagtratrabaho ko
Halos di matulog, di tumigil, ayaw papigil
ang isip ko na baka isang araw ay mahirap pa rin ako
Aking binabato't pinupukol
sa ikinauukulan
Na bakit hanggang ngayo'y
danas pa rin ang ayaw kong kahirapan
Bukambibig ko'y laging sa iba ang sisi
Kailan ko bang hinanap ang susi
Upang mapaunlad ko ang
Naghihirap kong sarili?
Sa tuwing lumalabas ang gusto mong luho
Hindi manlang maisip na bulsa'y maaring gumuho
sa di mabilang na pagbiling di naman kailangan
Ayaw ng kahirapan pero kalayawa'y di maiwasan
Sa bisyo'y nalulon, tinangay na parang alon
ang pitakang inaamag na dahil hindi mabaon
sa limot ang pagnanasang tumagay sa kalsada
Ngunit bakit nagtataka ka pang walang makain ang pamilya?
Kapag humihithit ng sigarilyong ginto na
ang presyo'y bakit inyo paring kinakaya
diba dahil sa masamang hilig ay nauubos ang
kayamanang sana'y naiipon at nakabangko na?
Kung iyong pagsasamahin,
ang hindi mo naisaing
dahil sa pagbabakasakaling
sa lotong tinayaa'y biglang palarin
Umiihip ang hangin pangarap mo'y matatangay
dahil sa bente-benteng nauubos ikaw sana'y nagtagumpay
sa pagnanais mong mabuhay ng sagana ngunit sa mali mong pag'asay di mo namalayang nadadaya ka na pala
Ang di pangangalaga sa sarili'y
nagiging mabigat na gastos
Kapag may karamadaman sa katawa'y
kayamanan mo ang unang mauubos
Ngayo'y magdaramdam ka kung di ka pinautang
Pero nung di ka nagtitipid tila'y laging kang nakalutang
feeling mayaman kung magpayabangan
Ngunit kapag bayaran ay nagkakapatawaran
Baki't di unang tingnan ang sarili
Na ang kahirapa'y bunga rin ng maling pinipili
na nagawa mo noon, ngunit hanggang ngayon
ay nagbubulagbulagan ka paring di iyon
Ang dahilan kung bakit ba may kahirapan
Di ba't parusa iyan ng ating mga kasalanan
Kung hindi ma'y pagsubok na dapat lampasan
ngunit lahat ng pagsubok ay hindi dapat tinatambayan?
Kailangang tanggapin sa itaas ang pagbabago
disiplina ang kailangan at karunungang nakatago
sa mga taong di naghahanap ng tamang paniniwalaan
at mga hakbanging dapat na sana nating tinutularan
Dalawang bagay lang naman
ang kailangang kailangang gawin
Kumilos sa tamang karunungan
At ang Diyos ay ibigin
At ang bawat lakad mo'y
magiging katagumpayan
At ang buhay na nasa Diyos
ay di Niya pinababayaan
©dave
D