Bakit kailan lumisan?
Kung ako naman ang iyong salita ay iyong binitawan,
Saan ba ako nagkulang?
Na binigay lahat ng dangal at pagibig.
Ginawa ko naman ang lahat,
Pero hindi parin kaya sapat.
Sana ba patungo ang ating relasyon,
Kung ayaw mo naman ipaglaban.
Naging tapat naman ako sayo,
Pero ang puso ko binigyan mo ng matinding layo.
Mahal masakit para sa akin,
Na lumayo ka parin sa akin.
Lahat naman ng sinabi mo pinaniwalaan ko,
Pero sa isang salita mo wala akong narinig na tayo.
Ngiti'y at saya ang pinaranas mo,
Luha rin pala ang kapalit nito.
Ilang taon na rin ang lumipas,
Ang kupas na busilak ng iyong puso ay binigyan ng pagubos.
Luha'y sa aking mata ay hindi mo pinunasan,
Dahil sa ika'y ay may matinding katanugan.
Mahal naman hindi mo ako naintindihan,
Dahil ang iyong pandinig ay iyong tinatakpan.
Naging bulag ba ako para sayo?
Para bigyan mo ako kadiliman sa puso ko.
Naging tayo ,minahal mo ako para saan yun?
Para paniwalain na ako lang ang binigyan mo ng nararamdaman.
Limang oras at panahon na ika'y nakakausap,
Ang hangin ay nagiging alitaptap.
Mga ilaw sa aking buhay na iyong sinindihan,
Iyong papatayin at pipigilan.
Pilit mang pahintuin ang puso kong ito,
Ikaw parin isinisigaw nito.
Laro lang ba ito para sayo,
Para ako'y ay iyong gawing mong paglaruan mo,
Mahal naiintindihan kita ,
Pero siguro tama na talaga.
M