O magandang binibini,
Ang iyong kagandahan ay nakakaakit.
Wag MO sana akong layuan,
Kung ikaw ay aking kakausapin.
Sa mata mong mapanlinlang,
Ikaw ay aking ginagalang.
Binibini wag MO sana masamain,
Kung ikaw ay pwede maging akin.
Gusto kong malaman mo,
Na ako ay seryoso sayo.
Kaya payagan mo akong manligaw,
Dahil ang puso mo ay gusto Kong maagaw.
Hindi kita sasaktan,
Kagaya ng ginawa ng iyong kasintahan.
Sana ako ay iyong pagbigyan,
At hayaan mong mundo mo ay aking kulayan.
Hindi ka magsisi sa akin,
Dahil iyon ay aking papatunayan.
Gusto kita maging masaya,
Sa piling ko sinta.
Ako ay magdadala ng gitara,
Upang ikaw kantahan.
Pakinggan MO ang aking tinig,
Dahil ito ay may pinapahiwatig.
Sana sagutin mo ako,
Na walang halong panloloko.
Magiging masaya ka sa akin,
Dahil ayun ang aking Gagawin.
Binibini, binibini wag ka sana magbago,
Dahil baka ang pagibig mo ay maglaho.
Ang pangako na binitiwan sayo,
Ay gagawin ko para sayo lamang binibini ko.
M