May nakilala ako isang Binata,
Sobrang bait niya at nakakatawa.
Tinanong niya ang aking pangalan,
At ibinigay Ko din ito na walang alinlangan.
Nagsimula ang lahat sa sulatan,
Na uwi din sa pagiibigan.
Sa simple niyang tingin at pagngiti,
Bigla na Lang ako napapangiti.
Hindi ko alam Kung bakit ako natutuwa sa Kanya,
Siguro nga umiibig na din ako sa tulad niya.
Tuwing tumitingi ako sa bintana,
Siya ang una ko laging nakikita.
Sa bawat pagpapatugtog ng kanyang musika,
Ako ay laging napapahanga sa Kanya.
Maituturing ko siyang tanong sa aking isipan,
Na hindi ko alam ang kanyang dahilan.
Umamin siya sa aking harapan,
Na ako ay gusto niya at Kung pwede niya na akong ligawan.
Binigyan ko siya ng mahirap na Gawain,
Na dapat niya intindihin.
Siya ang unang nagmahal sa akin,
At ang pagmamamahal na yun ay kanyang pinatunayan.
Binigyan niya ng kulay ang aking mundo,
Na walang halong Biro.
Sa huli din ay na hulog ang aking loob sa Kanya,
At kami ay naging masaya.
Ang aking pagtitiwala ay ibinigay Ko,
Na may halong pangako.
Ayaw niya akong paiyakin,
Dahil siya ay magsisi din.
Kaya pinagako niya sa akin,
Na ako lang ang kanyang mamamahalin.
Humanga ako sa Kanya,
Dahil siya ay may kabutihan.
Kahit hindi man siya sikat,
Para sa akin siya ay sapat.
Hindi man siya sobrang gwapo,
Pero siya ay seryoso.
Kaya minahal ko siya,
Ng higit pa sa kaya niya.
M