Ang hirap sabihin sa iba ang problema ,
Dahil ikaw ay nahihiya,
Kaya nilalamon ng kalungkutan,
Ang iyong kaisipan.
Marami ng nakakaranas nito,
Pero unti lang ang nakakaligtas dito.
Gigising ka sa umaga,
Malungkot ang iyong mukha.
Mahirap malunasan ito,
Dahil hindi ito madali sa taong nakakaranas nito.
Kaya dapag itong patnubayan,
Para ito ay mawala ng tuluyan.
Laging nagiisa sa madilim na mundo,
Na walang ilaw at maraming panunukso.
Masakit man isipin,
Pero yun ang katotohanan.
Hindi naiiwasan ang ganitong karanasan,
Dahil ito ay mahirap ng lutasan.
Maihahalin tulad ko ang isang tao sa isang nalantang bulaklak,
Dahil ang kanyang buhay ay pinatay niya.
Ang taong meron ganitong sitwasyon,
Ay dapat silang matulugan.
Kaya kailangan nila ng makakapitan,
At ng tao na may kabutihan.
Nakakasira din ito sa buhay ng tao,
Dahil maraming nawawala dahil dito.
Wag natin sila husgahan,
Dahil sila ay biktima ng kalungkutan.
Hindi nakakatulong ang pagugutya,
Kailangan nila ng pagunawa.
Hanggang ngayon,
Meron parin nakakaranas ng ganitong sitwasyon.
Makikita mong silang masaya,
Pero sa kanila sarili wala na silang pagasa.
Hindi natin masisi,
Kung ganyan sila lagi.
Sa buhay ng tao,
Maraming pagsubok na ginawa para sayo.
Sabihin natin mahirap at pasuko ka na,
Pero lumalaban ka pa din sa iyong makakaya.
M