Tulad ng isang bulaklak,
Na nasa ilalim ng araw na sumisikat
Isang bulaklak na patuloy na namumukadkad.
Na para bang nagpapakatatag.
Hindi man subrang kagandahan
Ngunit napakasimpleng tignan
Pero di yan ang basehan
Ngunit ang ganda kung anong meron sa kanyang kalooban
Kahit ito man ay nag-iisa,
Patuloy pa rin itong humihinga.
Para bigyang ligaya ang mga tao na nasa paligid niya.
At para man lang ma-isip nila na may pakinabang rin siya.
Dumadating man ang panahon
Na nawawala ang kanyang atraksiyon
Pero siya pa rin ay bumabangon
Para man lang siya ay magiging inspirasyon.
Inspirasyon sa mga tao,
Yung tiwala sa sarili na naglaho
Pati pangarap sa buhay ay gumuho
Dahil sa mga negatibong sinasabi ng mga taong nasa paligid nito.
Tulad ng bulaklak na nag-iisa.
At ito ay balewala sa iba
Pero iyan ay wala lang sa kanya
Dahil alam niyang may Panginoong Diyos ang nagmamahal sa kanya.
©sheena11
S