P

Busilak na Puti

Busilak na Puti
Sa aking natatanging tirang pagtanggi
Sinuyo mo akong buong pusong
Tinanggap sa aking pagkatao.
Ayokong abutin ang iyong kamay,
Pero pinilit mong abutin ito ng walang pag-aalinlangan.
Pinunan mo ang pagkatao ko saiyong busilak na puso.
Ano nga ba ang halaga ng bawat sandali?
Kung sadyang ayokong mawari
Ang mga pighati sa kadilimang binalot ng sakit.
Inalis mo ang lumbay ng aking buhay,
Binigyan mo ako ng dahilan
Upang magpatuloy na isang matapang.
Sa iyong busilak na puti,
Naging buo ang pagkatao ko muli
Isang kalugmukan na aking pinakawalan na hawak ang iyong mga kamay.
Di perpekto sa aking kahinaan
Pero di ko naramdaman
Sa mga mata mo ang paghusga sa aking kamalian.
Salamat sa iyong busilak na puso,
Ako ay handang lumaban ng may tapang,kaakibat ka kahit sa aling digmaan,
Salamat, busilak na puti.
By Rissa Desaliza
01/10/2018