M

classroom

pinuno ng kasiyahan,
ang silid Aralan.
dito nagsimula ang asaran,
at nagbigay ng kaalaman.
Sa bawat araw na magkakasama,
napupuno ng magagandang Alaala.
hindi makakalimutang karanasan,
na hahantong din sa Hiwalayan.
Dumating Man sa panahon,
na tayong lahat ay magkakawatak watak na.
wala dapat makalimutan,
na masasayang alaala nating pinagsasamahan.
Binigay sa atin lahat ang magkalayo,
pero magkakatagpo din lahat tayo.
ang landas na ating tatahakin,
ay dapat nating pagyabungin.
Ang masasayang alaala sa silid aralan,
ay dapat nating tandaan.
Ang mga pangarap na ating pinaguusapan,
ay matutupad din sa kasalukuyan.
wag nating sayagin ang unting oras,
dahil hindi na ito matutuklasan,
ang kinaugalian na ating kinasanayan,
ay Di na dapat maulit kahit kailanman.
Magkakaroon ulit ng bagong kaibigan,
na dapat hindi nating tanggihan.
ang mga guro na nagturo sa atin ngayon,
ay Di na natin makakatagpo.
kaya mga kaibigan ko,
magpapaalam na ako sa Inyo.
Dahil ako ay lilisan na,
at di ko kayo makakalimutan.