R

Dahilan ng Pagiging Makata

Diko maintindihan ang nararamdaman.
Sa tuwing ikaw ay aking nasisilayan.
Parang humihinto ang buong kapaligiran.
pakiramdam ay lutang sa iyong harapan.
Sa araw araw lagi kang inaabangan.
Palinga linga kung saan kaba daraan.
Hindi kumpleto ang araw sa eskwelahan.
Kahit saglit lang sana ikaw ay masilayan.
Nag aagaw ang bata at pagiging binatang isipan.
Na tila ang laro ay nakakalimutan.
Sa tuwing ikaw ay sumasagi sa isipan.
Gustong madaliin ang pagdaan ng mga araw.
Sa aking kwaderno naka sulat ang iyong pangalan.
Pakiramdam ko ay kasama ka sa tuwing itoy tinitignan.
At nagiging *****a ang aking isipan.
Sa pag iisip kung paano ka ba malapitan.
Sa munting tulang ito sanay naiparating ko sayo.
Ang saloobin ng aking mahiyahing puso.
Walang lakas ng loob na ipagtapat sayo.
Dalangin nalang sana ay mabatid mo.
Hindi ko alam kung itoy alam mo.
Sa pag babasa nito naway maramdam mo.
Na ikaw oo ikaw ang dalagang tinutukoy ko.
Sa tulang nabuo dahil sa paghanga sayo.
©kadena26