R

Digmaan

DIGMAAN
Napagod, huminto at biglang napayuko.
Ang mandirigmang sumabak sa hamon ng mundo.
May pinanggalingan labanan at tila nais nang sumuko.
Natulala nakatitig isip tuon sa malayo.
Iniwasan nya ang lugar kung saan ang digmaan.
Sa madilim na sulok nanatili at kinakabahan.
Hindi sya takot ngunit lito, magulo ang isipan.
Bakit tila kinakain ang liwanag nya ng mga kalaban.
Sa kanyang pag iisa napakaraming balik tanaw.
Mga talo at panalo sa nakaraan nyang mga laban.
At may biglang pumasok sa kanyang isipan.
Ang mga taong umaasa at kung bakit sya lumalaban.
Biglang may kung ano at sya ay tumayo
Muling nagalab ang pag nanais na muling humayo.
Ang kanyang mga anak at asawang iniibig
Ang diwang iyon ang dahilan nya upang di magpatalo.
Sa digmaan ng buhay di madali ang manalo.
Madalas may pagsuko na mamamayani sa ating mga ulo.
Ngunit ang taong may baluti ng pagmamahal sa pamilya.
Sila ang nagtatagumpay, patuloy kahit nanghihina.
©kadena26