Gunita sa Alaala
Isa, dalawa, tatlo, nasan na kayo?
Apat, lima, anim bakit tila napakadilim?
Ating mga ala-ala, akin nalang ginugunita.
Sapagkat tayo'y malabo ng muling magkikita- kita.
Tila ba kaylan lang noong tayo'y magkakasama.
Nagtatawanan habang naglalakad sa daan. Naghahabulan habang umuulan.
Kay sarap gunitahin, mga alaalang lubos na nagbibigay saya saatin.
Ngunit kay lungkot isipin na hanggang sulyap nalang sa mga larawan natin.
Gayunpaman, bagamat tayo ay di magkakasama.
Naniniwala akong balang araw tayo'y muling magkikita-kita ng may mga niti sa labi at nagwagi sa pangarap na ating minimithi.