M

hayaan mong kilalanin kita

Hayaan mong yakapin kita,
Upang ako ay iyong maalala.
Ang lahat ng pagmamamahal na iyong pinaranasa sa akin,
Ay iyong pinakawalan Rin.
Subukan MO akong mahalin,
Upang ako ay maunawaan mo din.
Sa bawat pagsusulat Ko sa aking tula,
Ikaw ay mamamangha.
Pilit kong pinapaintindi sayo,
Ang tula na sinusulat Ko.
Na ikaw ang nandidito,
At ako ay nandidito para sayo.
Ano ba ang papel Ko sa iyong buhay?
Na dapat mong maisabuhay.
Mahalaga ba ako sayo?
O ako ay pinaglalaruan MO?
Hayaan mong punasan ko ang iyong luha,
Para ito ay mawala ng tuluyan.
Ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga,
Na dapat di mo iyon binabaliwala.
Wag kang matakot sa akin,
Dahil hindi kita lolokohin.
Ang iyong puso ay aking hahawakan,
At ito ay hindi ko papabayaan.
Hayaan mong pagalin ko ang wasak mo puso,
Na dapat na itong matuto.
Sasamahan kita,
Kung saan gusto MO pumunta.
Kakabisaduhin ko ang buong pagkatao mo,
Para hindi ka magbago.
Sulitin natin ang bawat araw na tayong dalawa,
Ay magkasama PA.