M

hiling

Sa bawat pagpikit ng aking mga Mata,
Ikaw ang laging nakikita.
Humiling ako sa bitwin,
Na Sana makita kita at mahagkan muli.
Ayaw Kong mawala ka sa piling ko,
Dahil ikaw ang nagpapasaya ng buhay ko.
Magkalayo man tayo,
Hindi ko kakalimutan ang ikaw at ako.
Tinanggap mo ako ang lahat ng aking pagkatao,
Hindi mo hinusgahan kung sino ako.
Pinatunayan MO sa akin na ikaw karapat dapat,
Sa huli ay magiging tapat.
Sa pagbanggit ng aking hiling,
Ikaw ay sana makapiling.
Sana Kung nasaan ka man ngayon,
Wag MO sana akong kalimutan.
Darating din ang tamang panahon,
Na tayong dalawa ay makikita muli sa tagpuan.
Alam kong hindi pa sa ngayon,
Pero matutupad din iyon sa tamang panahon.
Magtiwala Lang tayo,
Alam nating makakaya natin ito.
Punuin natin ng magagandang alaala ang ating kasaluyan,
Dahil hindi ito masasayang.
Sa bawat alaala na aking nakikita sa tagpuan,
Ang aking mata ay lumuha na kalungkutan ang aking nararamdaman.
Lagi kitang iniisip sa araw at Gabi,
Na sana makapiling kitang muli.
Sana sa pag gising ko sa umaga,
Ikaw ay sana nandidito na.
Ang pangako na ating sinabi sa ating dalawa,
Ay dapat ng maging masaya.