Susuportahan kita
Basta maging masaya ka
Kahit alam kong may iba na
Kahit na akoy durog na durog na
Susuportahan pa rin kita
Binigyan mo ako ng dahilan
Dahilan para bumangon at lumaban
Lumaban sa magulong desisyon
Magulong desisyon na ginawa nating dalawa
Desisyon na alam nating dalawa na tama
Tamang desisyon
Ngunit dahilan ng aking pagkadurog
Durog na durog na ako
Durog na dyrog
Muli akong lumilikha ng tula
Hindi para sa wala lang
Muli akong nag lumikha
Sapagkat wala akong mapagsabihan
Para maipahayag
Maipahayag ang aking tunay nararamdaman
Sa oras nato
Mag isa ako
Walang mapag sabihan ang puso ko
Puso kong durog na durog
Sa oras nato
Mag isa ako
Mag isang hinihilom
Ang nadudurog kong puso
Asan sya?
Asan ka?
Asan kayo?
Asan ako?
Andito ako nagmumukmok
Sa sulok
Umiiyak ng patago
At nasasaktan ng patago
Nag hihintay na piliin mo
Alam kong wala akong karapatan
Wala akong karapatan na masaktan
At mali ang aking nararamdaman
Mali na ikaw ay akin pang hagkan
Ngunit sa kabila ng kamalian
Andito ako pinipilit na piliin ka
Pinipili kang mahalin
Kahit ang ka palit
Ay ang sakit
Andito ako
Nag hihintay ako
Nag hihintay na piliin mo
Ngunit paano
Sakabila ng pagpili ko sayo
Ay sabay ng pagpili mo
Ngunit kailanman ay hindi ako
Kundi ang taong mahal mo
Pinili mo yung taong
minsan ng pinag selosan ko
Ngunit sabay sa pagpili mo
Ang pag paalam ko
Magpapaalam na ako
Sa buhay mo
Sa buhay mong kailanman
Ay hindi ako, hindi ako ang nag bida
Hanggang sa muli mahal, paalam.
©ira
I