Huli na ba para sabihin kong gusto kita,
Pero tuminggin ka na sa iba.
Ang lalim ng aking pagsisi,
Bakit hindi mo ko pinili?
Minuto,panahon,at oras na gusto kita makasama,
Lumisan na merong luha sa mata.
Saan ba ako muli masisiyahan,
Kung saan ikaw ang aking hinayaan.
Muli kong paghambigin na tayo,
Pero meron parin pala kayo.
Muli mo akong yakapin,
Upang ikaw ay muli kong hanapin.
Pasensya na mahal kung ako ay ganito,
Dahil sayo lang naman ako.
Walang umaangkin sa akin,
Dahil para sa akin ikaw ang aking mamamahalin.
Pawiin mo sana ang aking lungkot,
Ang lakas ko ang aking ihuhugot.
Ikaw na lang sana,
Pero huli na pala.
M