Ang huling tula ko para sayo,
Sana maipakita at maramdaman mo.
Pagsulat sa aking kwaderno,
Ikaw ang nilalaman nito.
Saan ba ako maguumpisa?
Kung paano ba tayo nagkakilala.
Wag ka ng malungkot at umiyak,
Dahil ayaw ko ang puso mo ay mawasak.
Sana makita kita ng masaya,
Pag ako sa nasa harap mo na.
Mga oras ko'y ibibigay ko,
Pati puso ko ang kunin mo.
Hindi ako mawawala sayo,
Dahil ako ay nasayo.
Ngumiti ka na at wag ng magamba,
Dahil ako ay nandito na.
Salamat dahil nakilala kita,
Dahil sayo ang mundo ko ay naging makulay at masaya.
Pero ito ang tatandaan mo,
Nandito ako para sayo.
M