Ina
Salitang unang bigkas ng mga bata.
Sa pag mulat ng mata. Sila ang palaging nakikita.
Sa pagtulog o paggising nandyan sila palagi
Inaabangan nila ang bawat ngiti ng ating mga labi.
Dalisay na pagmamahal, kanilang hatid sa atin.
Tayo palagi ang una sa kanilang panalangin.
Sa pag aaruga wala ka nang hihilingin.
Sa habang panahon tayoy iibigin.
Hirap man ay salubungin, kanilang susuungin.
At malakas man na hangin. Di sila dadaigin
Ganyan kung magmahal si ina sa atin.
Walang tutumbas! at hindi kayang sukatin.
Sa iyong pagsisikap at pag aaruga.
Gusto kong bumawi sa lahat ng iyong ginawa.
Ang pangarap ko ay tutuparin ko.
Na ang pangarap mo ay matupad ko.
At sa araw na ito, sa gitna ng imtablado.
Pasasalamat ka, sa harap ng mga tao.
Diplomang hawak ko, alay sayong mga sakripisyo.
Ipagmamalaki kong dahil ito sa Nanay ko.
©kadena26
R