P

JUSTICE

I. koneksyon na ang pinapahalagahan
koneksyon ang siyang nakatulong magpalaya
sa taong dapat na nabubulok sa bilangguan.
gumagamit ng mga tao upang pangala'y
mapanatiling malinis at marangal. mga
koneksyon na siyang nakasira sa pantay na sistema ng bansa.
II. mga taong nasa posisyon ay nagbabalat-kayo
mga sumumpa na magiging pantay ang tingin sa bawat mamamayan, ang siya pang nagpalaya sa mga taong kriminal ngayon. sinisigurado
na walang sinuman ang magsasalita upang
pinapahalagahang reputasyon ay hindi madawit.
III. kapangyarihan na siya'ng nagpalaya sa akusado

isang titulong tuluyan ng naabuso ng mga taong
may karapatan. dahil sa taliwas na paggamit,
hustiya'y tuluyan ng hindi nakakamit.
kapangyarihang sinamantala at tinuldukan
ang buhay ng mga walang kamuwang-muwang
at hindi maipaglaban ang sarili.
IV. pera ay siyang nagpabulag ng tuluyan

perang ipinapadaan sa ilalim ng mesa upang hatol ng hurado ay bumaligtad sa inaasahan. tunay nga na ang hustisya sa bansa ay nabibili ng salapi. salaping nagpasilaw at nagpabulag sa mata ng mga taong nanumpa at kanilang dignidad ay tuluyang nadungisan.
minamahal naming bansa,
kailan nila makakamit ang hustisya?
©polla