Kaibigan kong tunay na dumating sa aming buhay
Isang kaibigang napasama na sa aming hanay
Isang kaibigang laging maaasahan
Kahit na mayroong di napagkakasunduan
Andito ako ngayun aking kaibigan
Nagtataka kung bat ka biglang nawala sa ating sanggunian
Ang aga pa kaibigan pero ikay bigla nalang nangiwan
Pano na natin matutupad ang mga planong ating pinagahandaan
Ang sakit mang isipin na ikay hindi na namin kasama
Ipagdarasal nalang namin ang iyong kaluluwa
Pero bago kami magpaalam sa iyo
Nagpapasalamat kami sa magagandang ala-alang iniwan mo
Maraming salamat sa lahat ng asaran, pikunan, at tawanang binigay mo sa amin
Salamat sa mga magagandang ala-alang biniyaya mo sa amin
Hindi man tayo magkadugo
Tinuring parin kitang kapatid sa isip at puso
Hindi ka lang basta naging kaibigan sa amin
Kundi parang tunay na pamilya na din
Magkakahiwalay man tayo sa daidig na ito
Balang araw magkikitakita din tayo
Salamat sa saya na pinakita mo sa section natin
At hinding hindi namin makakalimutan ang mga alaalang iniwan mo sa amin
Kung nasaan ka man ngayun kapatid
Sana ay masaya ka na sa iyong pagtawid
Salamat talaga ng sobra
Hinding hindi ka makakalimutan ng tropa
Di ka na man namin makakasabay sa graduation
Pero bibitbitin namin ang iyong alaala sa pagakyat
Salamat lonemar sa lahat lahat
Paalam na kahit mabigat sa damdamin.
©big_yoshi
B