Kamusta ka na kaibigan ko?
Mga salitang laging binibitawan mo
Sa tuwing hawak ang cellphone mo
at umaasang ka pang may magrereply sayo
Ngunit sang daang oras ng naghinhintay
Nangangalay na ang mga matang nanamlay
Dahil kahit kailangan mo'y tila patay
ang pakealam ng tinatawag mong kaibigang tunay.
Bakit di man lamang dumalaw,
kaya di kana dinalaw ng antok sa madaling araw,
Sa labis na pag-asang mayroon kang karamay sa habang buhay habang ikaw ay nakaratay
Sa hospital na napakalamig
Minsan ganun rin ang pag-ibig
Ng mga taong tinawag mong kaibigang
na sandali lang sayong nakinig
Sa mga kwento mong naghahangad
lang ng kausap , buti pang kulisap
liwanag ay hindi madaling umindap.
Sa gabing madilim, lalong lumalamig ang hangin mong hinihinga.
Puro ka na lang buntong hininga ipinagdaramdam mong bakit
parang nag-iisa ka na
Inaalala mo ang sandaling ika'y
dumaramay sa kanila.
Sa bawat munting hirap na kanilang dinadala.
At bago pa sumapit ang kaarawin nila
Ikaw pa nga itong higit na nagaabala
Ngayo'y nasasaktan ka sa iyong pinipilit
Na sana'y kung paano kang nagpahalaga sa kanila'y magkaroon man lamang ng konting kapalit.
sukli na sa pangangailangan mo'y di mo
mahanap, dahil nawawala sila kapag ikaw na ang may mabigat na kinahaharap.
Ang hirap maghanap ng matinong kausap
kung sa mundong ito ka lang maghahanap.
Lalo pa't lahat ditoy nagbabago
Di nagtatagal at pagkahirap na'y naglalaho
Kaya ang kaibagang tunay mong tinatawag ay hindi dapat tao,
sapagkat madalas sa oras sila'y mabilis nakakando.
Hindi sa lahat ng panahon ay maasahan mo
Dahil hindi sila perpekto tulad ng inaakala mo
Ang bawat bagay ay may itinakdang panahon, silay dumaraan lang din tulad ng sumisibol na dahon. Marahil magtatagal sila sa tabi mo ng saglit na panahon.
Ngunit parang bangka rin silang natatangay ng alon.
Kaya wag kang malungkot kung sila'y nawawala na, may bagong isinisilang at iyong makikilala
Dahil buhay ng tao'y parang nobela,
walang kaibigang nasatabi lagi ng kinikilalang bida.
Kaya huwag pahirapan ang sarili sa pagiisip
Na mayroong kaibigang nagtatagal sa lahat ng panahon.
Gisingin ang sarili dahil balibaliktarin man ang mundoy wala talagang ganun.
Ipagdiwang mo ang kanilang pagdating.
Sa itinakdang panahon ay iyo ngang sulitin .
Sulit na rin na minsan silang dumating
Dahil hindi lang ikaw ang naglalakad sa malayong lakbayin
Huwag ipangambang sila'y mawala
dahil hindi ikinaragdag sa buhay ang iyong pagkabahala.
Bayaan mong sila'y makawala sayo
dahil. may kalayaan din silang pumili at hindi sila nakatali sayo.
Kung hinahanap mo'y tunay na kaligayahan, doon ka sa nanatilit di nagbabago.
Yun ang may malasakit at laging nakabantay sayo. Kahit saang dako ay kasama mo
kahit sa lugar pang lihim na pinupuntahan mo
Kaya nilikha nya ang taong may kakulangan.
Dahil hindi rin talaga tao ang tunay nating kailangan.
Isa na rito ang pangangailangan sa kaibigan
Kaya higit mo ang Diyos na ituring sa inaakala mong tunay na kaibigan.
©dave
D