M

kasiyahan ba?

Pawiin man ng kasiyahan ang aking isipan,
Hindi parin maiiwasan ang kalungkutan.
Nang ika'y ay aking makilala,
Ang mundo ko'y ay nagiba.
Subukin ko man tanongin ang aking sarili,
Buhay ko'y ang may pinipili.
Bumalik man sa nakaraan na aking nakasanayan,
Hindi ko maiiwasan ikaw ang aking balikan.
Libutin ko man ang mundong puno ng kailaliman,
Ikaw parin ang aking kinabukasan.
Linlagin man ang puso at isipan,
Pipigilin ko ang aking katanugan.
Kung ako man ay bibigyan ng pagkakataon,
Bibigkasin ko ang bawat letra iyong pangalan.
Galit man ay nakatatak sa aking sarili,
Lagi mo itong ikinukubli.
Mapanlinlang na puso'y at natitikman,
Dulot nito'y ay walang hangganan.
Sa pagbukas ng aking puso,
Ikaw ang dapat unang tumatak dito.
Pabibigyan kita sa iyong gustong gawin,
Nguni't may mga kondisyon na dapat mong tuparin.
Para sa aking ikakatahimik,
Upang ako'y ay iyong maibalik.
Kalawakang punong puno ng imahinasyon,
Marikit na bitwin ay magkakaroong ng pagbangon.
Bawat sandali na ika'y nakakasama,
Sa buhay na puno ng pagkikita.
Biruin man ng kapalaran ang ating pagiibigan,
Hindi parin magiging kataasan.
Musika na ating pinapakinggan ng ating puso,
Siya'y rin pala ang bunga at pagkabuo.