Kung sakali mang sawa kana,
Kung sakali mang makahanap kana ng iba,
Kung sakali mang mas masaya kana sa piling nya,
Kung sakali mang mas mahal mo na sya,
Maaari bang ipaalam mo sa akin ng paunti-unti,
Kahit batid kong ang puso ko'y masasawi,
Ngunit ayos lang sa akin 'to basta't ipaalam mo lang,
Hindi 'yong bigla mo nalamang ako iiwan,
Na sa aking isipa'y maraming katanungan at kung ano nga bang dahilan,
Kaya kung sakali mang makahanap ka man ng iba,
Ipaalam mo lang sa akin sinta,
Sapagkat buong puso naman kitang ipapaubaya sa kaniya.
S