Z

let's fly high like a butterfly

"BILANGGO"
✍: @Zinn🦋
Sa maliwanag na buwan ,
Sinag nito'y kay gandang pagmasdan .
Sa malalim na gabing nagdaan ,
Naka tunga-nga't nagmamasid sa kapaligiran .
Di maka-tulog , di alam ang dahilan ,
Lumalabas pasok sa aking isipan
Mga pangyayaring pinagdaanan
Na tila bilanggo't di makalabas sa lagusan .
Gaya ng ibon na malayang lumilipad ,
Tumutungo sa malayo o san' man mapadpad
Mga pakpak ay handang tumuwid ng malapad
Maka-punta lang sa lugar na kanyang hinahangad .
Ito sana ang nais ko !
Ngunit paano ko magagawa ito ?
Gayong ako'y isang bilanggo ,
Bilanggo sa sariling kandado ,
Na ako mismo di alam kung paano buksan 'to ,
Kung paano harapin ang problema ko ,
At kung pa'no lutasin ang saki'y binigay ng mundo
Gayong ako'y isa lamang hamak na priso .
©zinn