L

Liham na Di Nakasulat

Liham na Di Nakasulat
Nais kong sumulat ng isang liham
Liham ng wagas na pag-ibig at taos-pusong pasasalamat

Kung paanong ang aking buhay ay nahila sa kalaliman ng lungkot, ng walang humpay na paghahanap
Ang damdamin ko’y parang apoy na halos mamatay sa lamig ng pag-iisa
Ngunit sa iyong pagdating, napawi ang pighati na ilang taon kong kinimkim at kinalinga

Ngunit ang tinta ng panulat ko ay biglang tumigil
Kasabay ng unti-unting pagkaubos ng liwanag sa kandilang nagniningning
Ang hangin ay humalik sa aking pisngi, tila ba ako’y sinusuyo at kinakausap

Marahil, higit pa sa mga salitang nakaukit sa papel ang damdamin ng puso ko
Higit pa sa anumang salita ang init ng pag-ibig na iyong ibinigay
Kaya’t salamat sa isang kahapon na mananatiling sagrado
Salamat sa isang halik sa ilalim ng buwan na hinding-hindi ko malilimutan...🌘✨02102026 ©LanZhan 安娜·梅·德拉·奇纳
안나 메이 델라 차이나...🇨🇳:1005:805:17