L

MAGING ANUPAMAN

MAGING ANUPAMAN
Tulad ka ng batis na laging daluyan
Paulit-ulit na humahalo sa dagat
Naghahanap ng pag-ibig na sadyang tunay
Sa lawak ng karagatang walang hanggan

Tulad ka ng bituin sa langit na maliwanag
Palihim na humahalik sa alon ng dagat
Tulad ka ng buwan na puno ng pag-asa
Na umaasang mayakap ang araw na dakila

Anuman ang kahulugan ng pag-ibig sa iyo
Nawa’y hindi ka balutin ng siphayo
Ilang gabi man na yakap ka ng lamig
Darating din ang umaga’t bagong simula...🌘✨02102026 ©LanZhan
安娜·梅·德拉·奇纳
안나 메이 델라 차이나...🇨🇳:1005:805:17