J

“...magsisimulang muli ako.”

Ngingiti parin naman ako kahit lumakad ka palayo. Gaya ng dati, tatayo ako at ihahakbang na rin ang paa palayo sa lugar kung saan tayo nabuo subalit lugar kung saan mo ako iniwan at winasak ng buo.
Gaya ng dati, lalakad muli ako patungo sa panibagong yugto kung saan ang salitang tayo ay hindi na muli pang mabubuo.
Muli akong tatayo at lalakad palayo patungo sa lugar kung saan wala na ang alaala mo.


— Josh Tumbaga
(PhotoNotMine)
©joshtmbga