P

MAHAL KITA NGUNIT DI MO BATID

Masaya ako tuwing nakikita kita
May ngiti sa labi kapag kasama ka
Tibok ng puso aking nadarama
Sapagakat alam kong minamahal kita.
Minamahal kita ngunit sa isip lang
Sapat na sa akin kahit hindi mo alam
Pagkat alam kong kahit na kailanman
Ikaw at ako magkaibigan lamang.
Kaibigan lamang ang turing mo sa akin
Kaya ako mismo kailangan lumayo rin
Tunay na damdamin di mo mapansin
Mahirap na kasi baka di ko kayanin.
Di ko kakayanin ang sabihin mo sa kin
Kaibigan lang kita wala kong pagtingin
Maunawaan mo sana aking damdamin
Pagkat ang puso ko ay nabihag na rin.
Kaya naman mahal sa mga oras na to
Gustuhin ko man na ipaalam sa iyo
Walang lakas ng loob na sabihin ito
Itatago na lang sa kaibuturan ng puso ko.
Pangako sa iyo maghihintay ako
Sapagkat ayokong malayo sa iyo
Sa ganitong paaran kuntento na ako
Pagkat pangalan mo tibok ng puso ko.
🦋🦋
©poysha