A

Makulay na paraan ng Pagmamahalan

Makulay na paraan ng Pagmamahalan

Sabi ng karamihan, hindi edad o pisical na kaanyohan ang basehan sa pagmamahalan
kung kaya't marahil ganun din sa kasarian.

Mali man sa paningin ng karamihan ang ating pag-iibigan. Akin paring ipaglalaban ang ating makulay na pagmamahalan.

Ang sakit mang isipin na hirap tayong tanggapin, samantalang tayo'y tao lang din malayang makakapili ng ating iibigin.

Marahil tayo'y kakaiba
di tulad ng kanilang paniniwala
pero ano nga ba ang ating magagawa
gayung puso ang siyang nag dikta.

Wala sa kasarian ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan, bagkus nasa dalawang pusong tunay na nag iibigan.

Gayunpaman, sa kabila ng mga bulung-bulungan, pag-iibigan nati'y patuloy kong ipaglalaban, tulad ng bahaghari na kay gandang pagmasdan, pagiibigan nati'y hindi mapipigilan ninuman.