C

Malaya

Malaya ka kaibigan ko
Mabuhay ka at humayo.
Maglakbay ka at dumayo.
Patungo dun sa kabilang ibayo.
Patuloy lg wag kang susuko
Pagkat malaya ka kaibigan ko.
Bawat sandali umiikot ang mundo
Buhay ay maikli para sayangin mo ito.
Buksan ang iyong mata ng masilayan ang hiwaga.
Tuklasin ang lihim ng nakaukit mong tadhana.
Wag matakot sa unos na dala ng umaga.
Sa gitna ng dilim may nakasilip na pag asa.
Wag kang mangamba at ika'y mag tiwala.
Palawakin ang isip, buksan mo ang iyong diwa.
Adhikain ay ilathala, at isigaw na ika'y malaya.
©clydo