A

Maling oras (tagalog)

Tayo'y pinagtagpo
Ngunit nasa maling
oras lang tayo
Pinagtagpo tayo ng tadhana
ngunit masyado pa tayong bata,
Lahat ng pangako'y itabi
at tayo'y mag-aral muna ng mabuti
Hanggang maabot natin
ang ating mga pangarap
sana muli tayong magkaharap
At tuparin ang mga pangako
na ipinako
natin sa ating mga puso,
at kahit magkalayo tayo
Mananatili kang paksa
sa aking mga tula.
©shinepoems