A

Maskara

Sa ilalim ng maskara
Nakatago ang malungkot na mukha
Ang mga naluluhang mata
At ang labi na dapat ay nakangiti sa tuwa 
Ginagamit ang maskara para hindi mahalata
Na ako'y nasasaktan at nahihirapan na 
Na kung saan gustong ipagsigawan
Ang mga bagay na sa puso'y nararamdaman
Kaso hindi kayang ipakita 
Dahil dito sa Mundong mapanghusga 
Na kapag ikaw at naglabas ng damdamin
Ikaw ay isasawalang bahala at hindi papansinin
Na kung saan patuloy kang makikisama
Para lang masabi na hindi ka malungkot at ikaw ay masaya
Napapaligiran ng tao 
Ng mga taong sasakit rin sayo
©alvrroxas