V

MASKARA

Luha sa likod ng mga mata
Lungkot na nakakubli sa likod ng bawat saya
Saya na isinusuot sa harap ng iba
Upang kalungkutan ay di nila makita
Luha ay kayang itago ng isang tawa
Subalit sa sarili ay hindi mo maaaring ipagkaila
Dahil lahat ng nadarama ay lalabas kapag ikaw ay mag-isa
Maskara ang magtatago sa mga luha at lahat ng nadarama.
©vxrxnxcx