Matalino, yan ang tingin sayo ng mga taong naka paligid sayo. Ngunit sino ba ako kung walang mga medalya, at parangal na aking natatamo?.
Tunay na nakakakaba sa tuwing nakikita ko ang aking grado na bumaba. Laging daladala ang mga papuri't paghanga.
Minsan, nakakapagod din maging ganito, lahat ng tao nakatingin lagi sa iyo. Sinusubaybayan bawat parangal na iyong natatamo.Gayung ang gusto ko lamang ay matuto, at gawin ang mga bagay gusto ko.
Nais kong makawala sa maling pananaw ng karamihan, na kesyo medalya at mga parangal ang basehan ng kahusayan. Gusto kong subukan lahat ng mga bagay ng di nag aalinlangan sa sasabihin ng karamihan kapag hindi ito napagtagumpayan.
Kung medalya lang ang pag uusapan, Marami na ako niyan, marahil oras na para tanggalin ang pag aalinlangan, at subukang gawin ang ibang bagay ng di pinapakinggan ang sasabihin ng karamihan.