MATUTO
May pagkakataon talaga na babalik at babalik ka sa simula. Lalo na at di ka natutu sa mga aral at iyong binalewala.
Yung mga pinagdaanan mo na sana ay natutu ka.
Magigising ka nalang talaga na malapit kana palang ngumanga....
Lagi kang nasisilaw at libang sa pagangat.
Ngunit nakalimutan mo namang gumastos ng sapat.
Sa bawat singko na pumapasok sa nakatago mong balat.
Limang piso naman ang winawaldas maling mali sa pagsukat.
Matuto!!! yan ang dapat palagiang isipin.
Hindi lahat ng oras ay sa lambat may isdang mahuhuli
Mag sipag na magtanim at magtabi sa pag aani
Dahil ang panahon mga pangyayari hindi natin masasabi
©kadena26
R