Habang tumutugtog
Puso'y nadudurog
Kantang Binago Mo
Yan ay para sayo.
Kung alam mo lang
Mula sa kantang yan
Mula ng makilala ka
Ang buhay ko'y nagbago na
Dati ay nalulungkot at laging nag-iisa.
Inisip kong sumuko na
Tila wala ng pag-asa
Ngunit tunay na hindi pala
Dahil ngayon ay narito ka.
Iko't ng mundo'y binago mo
Muling binuhay ang puso ko
Ngayo'y naging makulay ang lahat
Pagkat ika'y kapiling ko.
Hay naku nga naman
Di ba kaysarap pakinggan
Musika sa puso tagos sa isipan
Ngunit mga katagang yan
Dulot sa puso ko ay karimlan.
🦋🦋
©poysha
P