NAG IISANG BAKAS
marami sa atin ang naglalakad ng nag iisa.
pilit hinahanap ang daan tungo sa patutunguhan.
minsan naiisip na sumuko nalang at taguan ang kapalaran.
ngunit sa munting liwanag napipilitan tayong sumulong, humakbang.
katotohanan?!, walang sinuman ang sasamahan ka tungo sa iyong pangarap.
dahil ang laban mo ay hindi nila laban.
sa mundo may kanya kanya tayong lupang tinatapakan.
at sa bawat hakbang mo nag iisa lang ang iiwan mong bakas, walang katulad.
kakaiba! Oo!, ang kwento ng bawat hakbang mo ay nag iisa.
ang lupang dinadaanan mo ay mag lilimbag ng Yung bakas.
bakas na mag magpapaliwanag ng makulay mong pakikipagsapalaran.
at gaano ka naging matibay sa iyong mahabang pag lalakbay.
wag kang magtampo, o magalit sa iyong mga kaibigan.
kung sa iyong daan Hindi ka nila sinamahan.
tandaan mong ang bawat indibidwal ay dapat mag iwan ng kanya kanyang mga bakas.
palatandaan ng kanilang mga naipanalong mga laban
tuloy lang sa paghakbang wag matakot.
dahil sa dulo mga tamang tao sasabay, mahahakot
at sa ikalawang bahagi ng iyong aklat kapalaran hindi na magdadamot.
hindi ka na mag iisa sa laban, pagkat mga naniwala sa iyo sa paligid ay lilibot.
©kadena26
R