M

Nakaraan

Masaya tayo nong una pero biglang nagbago
lagi-lagi na lang tayong nagaaway ng ganito
kahit na maliliit na mga bagay pinapalaki mo
bat bigla ka na lang nagbago?
hindi na ikaw yung nakilala ko
ang daming mong pinagbago
ako pa ba yung nilalaman ng puso mo?
kung hindi na sabihin mo
para di ako mag mukhang tanga sa mga tao
na inaakala kong mayroong tayo
yun pala iba na ang nilalaman ng puso mo
ang sakit makitang ang saya nyo
tapos eto ako nasasaktan ng dahil sayo
akala ko magpapakasal pa tayo
pero puro akala lang pala ang nasa isip ko
gusto kong ibalik ang nakaraang masaya tayo
©maharlika