M

paghihiganti

Maraming taon na ang lumipas,
Ang aking pinagdadaanan ay magwawakas.
Isang karanasan na dapat Di ko pa nararanasan,
Ay nagkaroon ng katraumahan.
Ang nakaraan Kong dapat tanggapin,
Nguni't hindi ko kayang gawin.
Ginawa ko lahat ang aking makakaya,
Pero Di ko parin kaya.
Gusto kong maghiganti sa Kanya,
Saan ba ako maguumpisa?
Ang katarungan na gusto kung matikman,
Ay Di ko na mararanasan.
Ang babaeng ito ay inabuso,
Ay hindi na siya hihinto.
Sa bawat pagpatak ng mga luha,
Galit ang lumalabas sa kanyang mukha.
Sa bawat pagtulog niya sa Gabi,
Ang kanyang kalungkutan ay Di tumitigil.
Hanggat hindi nahuhuli ang gumawa sa Kanya ng karahasan,
Ang kaso ay dapat paring mabuksan.
Sana mabigyan ng hustisya,
Ang kanyang ginawa.
Ang puot at kalungkutan sa aking damdamin,
Ay tatak sa aking isipan.
Inabuso nila ang aking pagtitiwala,
Na sa kanila Ko Lang ipinagkatiwala.
Hindi niya alam ang kanyang ginawa,
Na sa akin niya Lang ginawa.
Sana maparusahan ka na,
Sa iyong ginawang kasalanan.
Kaya tumigil ka na sa ginagawa mong karahasan,
Na wag na maulit ang kahayupan.