R

PAGLISAN

Pagulong ng gulong mo'y tila kay bilis.
Alaala ng kahapong, sakit at hinagpis.
Ganito ba talaga, pinagtagpo pero 'di tinadhana.
Litong-lito ako ng ika'y makita kong palayo na.
Iniisip at winawari kung ito'y panaginip lamang.
Sapagkat ako'y umaasang muling magising sa bangungot ng iyong paglisan.
Ako'y patuloy na narito naghihintay sa ating tagpuan.
Ninanais at minimithi na ika'y muling masilayan't mahagkan.
©ramadurye