naglalakbay ako,
na Kasama MO.
sobrang saya nating dalawa,
na tayo lang ang magkasama.
pinapasaya mo lahat ng araw ko,
dahil ako ay importante sayo.
Dinala mo ako sa masayang lugar,
na misteryosong hindi ko pa nakikita.
sa bawat ngiti MO,
na kumikinang ang paningin ko.
sa hindi sinasadyang nating pagkikita,
na tayo lang ang nakatadhana.
sinabi mo sa akin gumising ka Mahal,
dahil ito ay panaginip lamang.
hindi ko inaasahan na yan and iyong sasabihin,
na hindi ko kayang paniwalain.
Nagising ako sa katotohanan,
na ako lang ang nakakaalam.
ang mundo natin ay magkaiba,
na dapat Hindi tayo ang magsama.
ang Tagal kong hinintay ito,
panaginip lang Pala ang lahat ng ito.
sana Hindi na ako magising,
na gusto ko lang palagi sa iyong piling.
ang panaginip na dapat Kong kalimutan,
ay Di ko na mararanasan kahit kailanman.
kaya paalam na sa panaginip minsan Kong pinagarap,
na di ko na mahahanap.
sana sa pagdating ng tamang panahon,
makita ulit kita masayang panaginip.
sayo Lang ako nakaramdam ng saya,
kaya ako ay magpapaalam na.
M