'Di ma-isadila ang matamis na pag-sabi
Ng pag-giliw na no'n pang na sa puso't nagkubli
Tinangkang ipahiwatig sa hangi't pag-ngisi
Ngunit ang tikas ay kinain ng pagkakimi
Tanging ang tinig mo'y may katumbas na dagundong
Ng pusong na sa bingit ng 'sang banging umusbong
Sa gitna ng tahimik at diretsong pag-sulong
Ng no'y malilinaw na salitang naging bugtong
Ikaw nga itong Diyosang higit sa sinuman
Reyna ng kagandahan o talino't alinman
Ikaw nga ang liriko sa awit na kundiman
Ang may himig na walang bahid ng kamalian
Mahal kita, mahal kita 'mula pa nang una
Subalit nando't umurong ang duwag kong dila
Sisibol ang amarilyo't huling pagkikita
Pagsinta'y mananatili sa dulo ng pluma
©eyji
S