W

Pantas sa Kamangmangan

Pagsasalita'y hilig niya na gawa mula sa sibat ng diyablo,
pananakit ay kaniyang sakit, di mabigyang lunas bunsod ng galit.
Nagmula sa ibayong lupain ng Montaña del Diablo,
emperyo ng kalupitan at ang sinasakupan sa kamatayan sumasambit.
Isang pantas na siyang dila'y mula sa ahas,
panghuhusga ang ibinubulwak ng kaniyang mga salita
Sarili'y parang nakakahigit sa lahat, siya ang nakakataas,
wari'y isang anghel na siyang pakpak ay naglalagablab sa impyernong tala.
Mga tagasunod nito'y kalahating bulag at bingi,
di man lang mawari ang ibinubulong ng liwanag siyang hari.
Sinubukang pagmasdan ngunit walang matanaw,
binigyang direksyon ngayo'y naliligaw.
Hermano, hindi ka isang tao kundi aso.
pinaglalaruan ka ng pantas na 'sang sugo ng diyablo.
Bawat daang tinatahak tiyak na nakakapaso,
patungo sa el monte del Diablo.
©wency_php