Sa gabing kay dilim at napakalamig din
Sana'y mapayapa pagtulog mo'y kay himbing
Kasabay ng pangarap na ika'y kapiling Masayang usapan na tila isang piging.
Sa iyong pangarap sana mamasdan mo
Masaya, tahimik at makulay na mundo
Tila baga parang mundo ay paraiso
Kasama ang bagong tinitibok ng puso mo.
Masarap maglakbay sa dalampasigan
Lalo na kung hawak ang iyong mga kamay
Kasabay sa dampi ng alon sa pampang
Waring nagsasabing pag-ibig mo'y tunay.
Kaysarap damhin ang sariwang hangin
Katulad ng tapat na pagkakaibigan natin
Masayang kabanata ng samahan natin
Wala nang papantay kung ika'y kapiling.
🦋🦋
©poysha
P