Patag Pataas
Sila na nauna na lumakad sa ilang.
Ang sumubok lakbayin Ng nilakaran Ng iilan.
Daang iniiwasan Ng mga karamihan.
Kalsadang masalimuot bakit pinili nilang lakaran.
Dito Tayo sa patag at huwag sa pataas.
Ang Sabi sa iyo Ng isang kaibigan.
Pagkat ang patarik daw ay ubod Ng hirap lakaran.
Baka pa Tayo malaglag at di na mahagilap.
Ngunit maiisip mo na ang daan Ng karamihan.
Ay walang nagaganap panandaliang kaligayahan.
Sa una ay may ngiti ngunit sa huli ay pagsisisihan.
Baket Hindi ka sumunod Yung pataas ang lakaran.
Ano ba ang may roon sa tugatog na iyon.
Ang paulit ulit mong tanong sa tuwing ikaw ay babangon.
Malalaman mo ba Kung sa patag nakatuon.
Bakit Hindi mo subukan iyun sa iyo ang hamon.
©kadena26
R