D

Pointless Piece

Tila ba'y walang katapusang kasiyahan,
Pagmamahalang walang makakahadlang,
Mga pangakong nadadagdagan,
Mga planong sa huli'y tinangay ng hangin..
Isang akdang walang patutunguhan,
walang pagtutugma
Ngunit ang tanging paksa ay ikaw at ako,
Na sa ngayo'y tanging ako,
Ang kumakapit sa mga pangakong tuluyang napako.
Dating pagmamahal mo ay hinahanap hanap ko.
Ngunit sa tuwing nag uusap tayo,
Ligaya'y tila ba d na makita sa mga mata mo,
At sa iba'y nakita ko kung gaano kaganda ang tunay na ngiti mo..
Lumuluha habang ginagawa ito,
Walang pake kung may kamalian,
ang tanging gusto ko
ay mailabas itong saloobin ko.
Ngunit sa huli,
Tanging hanggang dto ang mailalabas ko.
©dreamwrite