"WAG KANG MA INLOVE SA TAONG SAGLIT MO LANG NAKILALA AT NAKASAMA"
By Odd_15
Matagal na nilang pinaplano
Na tayo'y magkakilala at magkatagpo
Sa di inaasahang araw ng anibersaryo
Tayo'y nagkita sa unang pagkakataon
Nag "HI" ka sakin sabay pakilala at lamano
Sa paglapat ng ating mga kamay
Bigla mong sinambit " Ang lambot ng kamay mo!"
Simula noon panay kanang lumalapit sa akin
Animo'y matagal na tayong magkakilala
Sa loob ng ilang oras na pagsasama
Konekted kana agad sa wifi ko
Habang tayo, kasama yung mga barkada natin
Nag iinuman sabay kanta sa mga paborito nating kanta
Napadami ang inom
Hanggang sa tayo'y magkatabi na sa kama
Binigyan mo ako ng halik na ngayon ko lang natamo
Oras oras binulag mo ako sa'yong mga matatamis na halik
Hanggang sa pagmulat ika'y nasa tabi ko
At nakapulupot pa rin sa katawan ko
Lahat ng yun ay binigyan ko na ng kahulugan
Kahulugan na baka mahal mo na ako
Heto na naman nagkita na naman tayo
'Di lang pangalawang beses kundi pangatlo
Di ko alam kung bakit tatlong beses tayong pinagtagpo
Di naman kita hinanap
Dahil alam ko darating rin yung araw na masaktan lang ako.
Heto ka nga panay ka na naman sa paglapit sa'kin
Habang ako nama'y umiiwas sa bawat paglapit mo
Hindi ko alam kung bakit sa inuman ang palaging hantungan natin
Lumapit ka sa akin
Hinaplos mo ako sa'yong mainit na yakap
Hinalikan mo ako sabay sabing ayaw mo akong masaktan
Di mo ba alam sa ginagawa mo ako'y unti- unting nasasaktan?
Na baka hanggang dito lang tayo!
At baka lahat ng to'y walang patutunguhan!
At ito na nga, ang huling araw na tayoy magkayakap at magkasama
Hanggang dumating yung araw na nag message ka sa'kin
Di ko matanto kung bakit yun ang nasabi mo
" Hindi ko muna kayang pumasok sa isang relasyon"
Buong akala ko, liligawan mo'ko
Wala lang ba talaga sayo lahat ng yun?
Yung mga pinagsamahan natin kahit sa maikling panahon
Sabagay saglit lang naman kitang nakilala
At wala naman talagang rason para magkagusto ka sa'kin
Kaya bigla bigla mo nalang akong iiwan sa ere
Salamat pala ha? Sa mga oras na tayo'y magkasama, na ako lang pala yung kaawa-awa
Hanggang dito nalang, kakalimutan na kita
J