M

Pulang Araw

Ako'y nabihag,
kalayaa'y nawala
Para bang isang pininta,
isang obra meastra
Mga mata'y napako,
ito'y tumagos sa puso
hindi mawala sa isip ko
sobrang kagandahan mo
sino ang lumikha?
sino ang gumawa?
ang mga kamay niya
ay tiyak na dakila
mga hinalong kulay,
inisip nang mahusay
ginawa sa pag-ibig,
ito'y puno ng buhay
mga luntiang damo,
ang langit ay bughaw
mga puting ulap,
at ang pulang araw
©mushura