M

pulang babae

May isang babae na nakaupo sa likodan,
Tinanong ko ang kanyang pangalan.
Nakita ko sa kanyang mukha,
Ang kanyang bunganga ay nakatawa.
Lumuha siya ng dugo,
At bigla siyang tumayo.
Humihingi siya ng katarungan,
Sa mga taong pumatay sa Kanya.
Siya ay naghihiganti na,
At nakakatakot siyang makita.
Hindi matatahimik ang kanyang sarili,
Pag ang mga lumapastangan sa kanya ay hindi pa nahuhuli.
Siya ay isang magandang binibini,
Na ubod ng bait.
Nakakalungkot ang nangyari sa Kanya,
Dahil siya ay may pangarap PA.
Naaalala niya parin ang ginawa sa Kanya,
Kaya dapat siya ay matahimik na.
Hindi matatapos ang gulong ito,
Kung wala pa itong pagbabago.
Ang kasaysayan niya,
Ay dapat itong makita.
Upang sa gayon malaman niyo din,
Ang pangyayari na gusto niyang palawakin.
Mahirap Lang ang kanyang pamilya,
Pero siya ay nagaaral PA.
Siya ay isang kabataan,
Na may kabutihan.
Siya laging naglalakad sa kadiliman,
Na dapat niya na itong wakasan.
Ang kwentong ito ay pawang maraming katanugan,
At ito ay tula na merong nilalaman.
Sino kaya ang pumatay sa Kanya?
Na dapat na itong makilala.
At kailangan na itong malaman,
Para malutas na.
Kahit mahirap itong hawakan,
Dapat magkaroon ng katarungan.
Ang lumapastangan sa Kanya ay na huli na,
Dahil siya ay sumuko na.